Napuno ng masayang indakan at makulay na pagtatanghal ang pagdiriwang ng pambungad na seremonya ng 16th Founding Anniversary ng Taguig City University (TCU), ngayong araw, ika-21 ng Nobyembre.
Pinangunahan ni University President Hon. Aurelio Paulo Bartolome ang seremonya, kasama ang mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo, faculty members, at iba pang university officials na nagtipon sa TCU Grounds upang salubungin ang opisyal na pagbubukas ng makabuluhang pagdiriwang.
Magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad ang unibersidad ngayong linggo gaya ng festival dance competition, President’s Cup obstacle challenge, academic competitions, at coronation night ng Mr. and Ms. TCU.
Ang Taguig City University ay itinayo noong 2006. Sinisiguro ng TCU ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga estudyante. Ang lahat ng mag-aaral sa unibersidad ay nakakatanggap ng P5,000 allowance sa ilalim ng TCU-CEAA Scholarship. Karagdagang P5,000 merit incentive naman kada semsetre ang binibigay para sa mga estudyanteng may general weighted average na 1.75 pataas.
Ang TCU ay accredited ng Commission on Higher Education at mayroong ding high passing rate sa licensure examinations ang paaralan. Dagdag pa rito, topnotcher (8th) sa Criminology Board Examination ang TCU. Ang unibersidad ay isang ring DILG Training Institute para sa Barangay at SK leaders.
News Source:
X Quiz It
https://www.facebook.com/tagc.univ.5/videos/1134158487473409
Intercollegiate Debate Competition
https://www.facebook.com/TCUOfficial2022/videos/1820177071659135