You are currently viewing Graduation Rites 2024

Graduation Rites 2024

ANUNSYO

Alinsunod sa napagkayariang pasya ng mga opisyal ng TCU kasama ang mga dekano at kinatawan ng Pamahalaang Lungsod, tanging mga nakapagtapos ng lahat ng academic requirements para sa 2nd Semester, School Year 2023-2024 ang maaaring isama sa Graduation Rites sa ika-27 ng Agosto, 2024.

Gayun pa man, magkakaroon ng espesyal na pulong ang Konsehong Pang-akademiko at ang BOR upang ang mga makakapagkumpleto ng lahat ng academic requirements ngayong summer ay maaari pa ring ituring na graduates. Maaari silang kumuha ng mga dokumento, katulad ng Transcript of Records, at iba pa na maaaring dumalo sa Araw ng Pagtatapos na gaganapin naman sa susunod na taon, SY 2024-2025.
 
Ang pagpapasyang ito ay naaayon din sa mga pamantayan at alituntunin na pinaiiral sa iba pang Unibersidad at Kolehiyo sa Pilipinas.
 
Maraming salamat po.

Leave a Reply